Itinanggi ni Senador Cynthia Villar na sinugod niya si Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos sa loob ng isang simbahan sa kanilang lungsod.
Ito ang paglilinaw ni Villar kaugnay ng nag-viral niyang video.
Si santos ay makakalaban ni Villar sa Congressional seat sa lungsod sa 2025 elections.
Ayon sa senadora, hindi niya sinugod ang konsehal.
Pinagsabihan lang aniya niya ito na huwag na siyang lapitan o batiin dahil ito aniya ang nasa likod ng mga paninira sa kanilang pamilya.
Pinahayag naman ni Villar na hindi siya apektado ng mga natatanggap na bashing mula sa mga netizen.| ulat ni Nimfa Asuncion