Kailangan munang amyendahan ang Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act bago ma-downgrade ang marijuana o cannabis sa listahan ng most dangerous drugs sa bansa.
Ito ang tugon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa tanong ni Senador Robin Padilla kaugnay ng isinusulong niyang panukala na gawing legal na sa Pilipinas ang medical cannabis.
Sa pamamagitan ng sponsor ng kanilang 2025 budget na si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, sinabi ng PDEA at DDB na bukas silang ma-downgrade ang marijuana gaya ng naging desisyon sa botohan sa United Nations (UN) noong December 2020.
Pero dapat munang amyendahan ang batas dahil nakasaad pa sa RA 9165 na kasama ang marijuana ssa mga ipinagbabawal na substances sa Pilipinas.
Sinabi ni Dela Rosa na handa naman ang DDB at PDEA na makipagtulungan para sa pag reclassify o downgrade ng marijuana.| ulat ni Nimfa Asuncion