Uumpisahan na ng National Housing Authority (NHA) ang pagtatayo ng “Navotaas Homes 5 Phase 2” sa barangay Tanza,Navotas City.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, unang makikinabang sa pabahay ang 180 benepisyaryo mula sa lungsod.
Tatlong low-rise buildings ang itatayo sa nasabing barangay na ang bawat unit ay may sukat na 24 sqm at kumpleto na sa mga pasilldad.
Kasama ding itatayo sa lugar ang isang community center, tricycle terminal at police station.
Ang proyektong pabahay ay bahagi ng komprehensibong plano ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng kalidad na tahanan ang natitirang 6,500 na informal settler families na nakatira sa mga panganib na lugar tulad ng mga daluyan ng tubig.
Sa kabuuan, 24 na low-rise buildings ang itatayo sa Navotas na pakikinabangan ng 1,440 na pamilya.| ulat Rey Ferrer