Higit 1,000 police personnel mula sa iba’t ibang unit at himpilan ng pulisya ang nakiisa sa “Community Fun Run” kaninang umaga.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director Melecio Buslig Jr., ang event ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-85 Founding Anniversary NG QCPD ngayong araw.
Nakiisa din sa aktibidad ang mga pamilya at kaibigan ng mga pulis bukod sa iba pang ahensya tulad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Armed Forces of the Philippines (AFP).
May tatlong kategorya ang fun run, una : 9 kilometro, 6 kilometro at 3 Kilometro, at may Registration fees na mula sa P700.00, P500.00, at P350.00.
Nagpasalamat naman si PCOL Buslig sa lahat ng nakiisa sa event, partikular sa mga nagwagi at kalahok mula sa iba pang mga yunit at ahensya.| ulat ni Rey Ferrer