DA Chief, hiniling sa BOC na ipalabas ang nakumpiskang frozen mackerel, at ipagkaloob sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang hiniling ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Customs na i-release ang nakumpiskang 580 metric tons ng frozen mackerel.

Sa kanyang sulat na pinadala kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, hiniling nito na ipagkaloob sa DSWD ang shipment para magamit sa relief operations.

Sinabi ng kalihim na ligtas sa human consumption ang produkto batay sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang 21 container van na nakumpiska ay puno ng frozen mackerel at dumating sa Manila International Container Port noong October 1, 2024.

Kinumpiska ang shipment dahil sa kawalan ng kaukulang sanitary at phytosanitary import clearances. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us