Nakaalis na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., para sa pagbisita sa United Arab Emirates (UAE), upang makapulong si His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sa Abu Dhabi, bukas (November 26).
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez.
9:11pm ang official time of departure ng Pangulo. Inaasahan na tatagal nang nasa siyam na oras ang magiging biyahe ng pangulo.
6:00am PH time, lalapag ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Marcos sa UAE.
Kasama ng pangulo sa pagbisitang ito si Environment Secretary Antonia Yulo- Loyzaga, NCCA Chair Vic Manalo, at DFA Undersecretary Charles Jose.
Kung matatandaan, una nang sinabi ni Philippine Ambassador to UAE Alfonso Ver na ang pagbisitang ito ay kasabay na rin ng selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng formal diplomatic relations ng UAE at Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan