??????? ????? ?????? ?? ?????? ?? ?????, ??????? ?? ??????????? ???-???? ????????? ?? ????, ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli ng mga pulis sa Jolo ang apat na katao sa isang buy-bust operation kahapon ng gabi sa isang abandonadong bodega sa Buyon Street, Barangay San Raymundo, Jolo.

Ang operasyon ay naging matagumpay sa pangunguna ni PLt. Col. Annidul Sali kasama ang 4th Regional Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion BASULTA na nagresulta sa pagkahuli sa dalawang drug pusher at dalawa pang kilalang drug personality.

Nakuha sa mga ito ang 8 heat sealed transparent plastic sachet laman ang pinaghihinalaang shabu na may timbang na 10 gramo at isang pirasong heat sealed sachet na aabot sa 5 gramong hinihinalang shabu.

Sa kabuuan, tinatayang aabot sa P102,000 ang halaga ng nahuling iligal na droga.

Nakuha din sa mga ito ang 28 pirasong aluminium foil, buy-bust money na may halagang P5,000 at iba pang drug paraphernalia.

Agad na isinagawa ang imbentaryo sa lugar na sinaksihan ng isang elected official mula sa barangay, media at mula sa Department of Justice (DOJ) bago dalhin ang mga suspek sa detention cell ng Jolo MPS upang maisapinal ang kaso na kakaharapin ng mga ito na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us