?????????? ?? ???????????? ?? ????? ?? ?????, ???? ???? ????? ?? ???????? — ??? ???. ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa sigurado kung ililipat ang headquarter ng Bureau of Corrections (BuCor) sa lupain na sakop ng Masungi Geo Reserve sa lalawigan ng Rizal.

Ginawa ang pahayag para magbigay linaw sa publiko tungkol sa usaping ito.

Ayon kay Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang mahalaga sa Masungi ay ma-preserve o maingatan.

Patuloy aniya ang pakikipag-usap niya kay Environment and Natural ResourcesSecretary Ma. Antonia β€œToni” Yulo-Loyzaga at nagkasundo na magkaroon ng iisang tinig sa isyu.

Ang mga lupa aniya na hindi nagagamit ay dapat mapakinabangan ng gobyerno.

Matatandaan na naalarma ang Masungi Georeserve Foundation sa isinagawang area inspection ng mga tauhan ng Bureau of Corrections para sa umano’y relocation site ng New Bilibid Prison sa loob ng Geopark.

Nai-award sa BuCor nitong nakalipas na taon ang 270 hectares ng nasabing lupain. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us