‘?????????? ???????? ????????’ ?? ?????-????? ?? ???????????, ??????-???? ?? ??? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mahigpit na pagpapatupad ng mga “preventive security measures” matapos ang dalawang magkasunod na pananambang sa mga politiko.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Red Maranan, kasama rito ang paglalatag ng checkpoints, paghahain ng warrants of arrest sa mga wanted suspect, at pagsisilbi ng search warrants sa loose firearms.

Inatasan din aniya ni General Azurin ang PNP Highway Patrol Group (HPG) na paigtingin ang anti-carnapping operations at istriktong paghuli ng mga sasakyan na gumagamit ng ilegal na plaka.

Matatandaan na nitong Biyernes, sugatan sa pananambang si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. at ang isa niyang tauhan sa Kalilangan, Bukidnon habang patay naman ang apat nitong kasama, kabilang ang tatlong pulis.

Habang nitong Linggo naman nasawi ang vice mayor ng Aparri, Cagayan na si Rommel Alameda at limang iba pa sa Sitio Kinacao, Barangay Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us