???-9, ?????? ?? ??? ????? ???. ?????? ?? ???????? ??????? ?? ?????? ?? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang Police Regional Office (PRO) 9 sa malaking pagbaba ng krimen sa Rehiyon.

Sa kanyang pagbisita sa PRO-9 headquarters sa Camp Colonel Romeo Abendan, Barangay Mercedes, Zamboanga City kahapon, personal na pinasalamatan ng PNP chief ang mga pulis sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Sa kanyang β€œTalk to the men” kinilala ni Gen. Azurin ang tagumpay ng PRO-9 sa kampanya kontra droga, loose firearms, at mga wanted na kriminal at terorista; gayundin ang magandang resulta ng kanilang anti-smuggling at anti-gambling campaign.

Bilang bahagi ng kanyang pagbisita, pinangunahan ni Gen. Azurin ang pagpapasinaya sa bagong tayong Zamboanga Police Station-10.

Dumalo din ang PNP chief sa Kasimbahayan o KApulisan, SIMBAhan, at PamaYANAN Forum, kung saan kanyang hinimok ang iba’t ibang sektor ng lipunan na magkaisa at magtulungan sa pagtataguyod ng ligtas na pamayanan.  | ulat ni Leo Sarne

?: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us