?????????????, ????????? ?? ????. ?????? ??., ??????? ???-?? ??????????? ?? ???? ?????? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Alok ng rekonsilasyon ang ipinahatid na mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong ika-37 anibersaryo ng Edsa People Power.

Sa social media post ng Presidente, hinikayat nito ang lahat na magsama-sama para sa mas maayos na lipunan.

Sa pamamagitan aniya ng rekonsilasyon ay maipupursige ang kaunlaran, kapayapaan at mas maayos na buhay para sa mga Pilipino.

Dagdag ng Pangulo, nakikiisa din aniya siya sa paggunita ng Edsa People Power na noong mga panahong iyon ay nakita ang pighati habang doon din naman nakita ang pagkakaisa at pagkakaroon ng mas malakas na nasyon. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us