????? ?? ??? ?????? ?? ????? ??? ?????, ????????? ??? ???-???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ng tribo ng Ata Manobo sa Talaingod, Davao del Norte ang CPP-NPA sa kanilang panlilinlang at “exploitation”  ng mga katutubo.

Ito’y matapos na ihatid ng militar ang labi ng isang katutubong miyembro ng NPA na nasawi sa enkwentro sa kanyang pamilya sa Sitio Tibucag, Brgy. Dagohoy, Talaingod, Davao del Norte.

Ang mga labi ni Gigi Andel ay isinakay sa isang C-295 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) patungong Davao Air Station para ihatid sa kanyang pamilya nitong Biyernes.

Si Andel ay kabilang sa mga kabataan na ni-recruit ng NPA mula sa Indigenous People’s (IP) Community noong 2013; at nasawi sa enkwentro sa militar sa Baggao, Cagayan noong February 13.

Sinisi naman ng pamilya ang NPA sa kinahinatnan ni Andel, at nagpasalamat sa militar sa paghahatid ng labi ni Andel, para mabigyan ng maayos na libing.  | ulat ni Leo Sarne

?: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us