Nagpaalala ang Department of Health sa publiko sa mataas na kaso ng tooth decay sa bansa.
Ayon sa DOH, matapos ang isinagawang National Survey on Oral Health noong 2018, pumangatlo ang Pilipinas sa Western-Pacific Regions na may mataas na kaso ng tooth decay sa bansa. Ayon sa datos, lima sa sampung Pilipino ang may gum o periodontal disease.
Nakatakdang makipagtulungan ang pribadong sektor sa Department of Health para gumawa ng mga programang magtuturo at magtataas pa sa antas ng pampublikong kamalayan kaugnay ng kahalagahan ng good oral health.
Nagpaalala si Philippine Dental Association President Dr. Cheryl “Che” Del Rosario sa lahat hinggil sa kahalagahan ng pag-iwas sa mga sakit bago pa ito magsimula.
Hinikayat din nito ang mga propesyunal na dentista upang tiyaking ang mabuting kalusugan sa bibig ay abot-kamay ng lahat ng Pilipino.