Muling pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Moscow ang mga Pilipino sa Russia kasunod pa rin ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine
Bagaman wala namang agarang panganib, hinimok ng Embahada ang mga Pilipino roon na kinakailangan pa rin ang mahinahon at kalmadong pagkilos at subaybayan ang mga mapagkakatiwalaang balita.
Pinapayuhan din ng Embahada ang mga Pilipino roon na maging laging mapagmatyag, patuloy na subaybayan ang mga abisong kanilang ilalabas at sundin ang mga alituntunin sa Russia na itinuturing nilang pangalawang tahanan.
Pinaiiwas din ng Embahada ang mga Pilipino sa Russia ang mga matataong lugar, huwag mag-post ng mga komentong may kinalaman sa pulitika at magpasa lamang ng mga kumpirmadong impormasyon. Ginawa ng Embahada ang naturang paalala kasunod ng kaliwa’t kanang kilos protesta kasunod pa rin ng girian sa pagitan ng dalawang bansa. | ulat ni Jaymark Dagala