??? ??????, ?????? ??? ??? ????? ?? ????????????? ?? β‚±747-? ?????? ?? ????? ?? ???? ?? 45 ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng Police unit na nag-ambag sa matagumpay na kampanya kontra sa ilegal na droga sa nakalipas na 45 araw.

Base sa datos ng Directorate for Intelligence, aabot sa β‚±747-milyong pisong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula Enero 1 hanggang Pebrero 15 ng taong kasalukuyan.

Sa loob ng naturang panahon, ang pagsisikap ng iba’t ibang anti-drug units ng PNP ay nagresulta sa pagka-aresto ng 692 big time drug pushers at 5,588 street level drug personalities, at pagsuko ng 176 drug users.

Sinabi ni Gen. Azurin na ang magandang resulta ng anti-drug operations ng PNP ay bunga ng mas pinalakas na intelehensya, at β€œcommunity-oriented approach” sa pagtugon sa problema sa ilegal na droga.

Dahil aniya sa pag-target sa mga big-time drug suspeks, epektibong napigilan ng mga pulis ang daloy ng ilegal na droga sa mga komunidad.

Inenganyo ni Gen. Azurin ang mga pulis na ipagpatuloy ang matagumpay na kampanya para sa mas ligtas at drug-free na bansa.  | ulat ni Leo Sarne

?: PNP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us