????? ?????? ?? ?????’? ???? ??????, ???????? ?? ??????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli ang isang lalaki na umano’y tulak ng iligal na droga sa Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City.

Kinilala ni Police Col. Allan Umipig, hepe ng Navotas City Police Station, ang suspect na si alyas “Charlie”.

Nasabat ang siyam na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng โ‚ฑ61,200.

Ayon kay Umipig, mula Caloocan City ay tumatawid sa Navotas City si Charlie kung saan siya nagbabagsak ng iligal na droga.

Ibibigay sa kanya ang pangalan ng parokyano at saka makikipagkita.

Nakulong noong 2020 si Charlie dahil sa iligal na droga subalit nakalaya dahil sa ‘plea bargaining.’

Inamin ni Charlie ang pagtutulak ng iligal na droga ay dahil kulang ang kinikita sa pagtatrabaho sa warehouse.

Mahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

?: Navotas PNP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us