????? ???????? ?? ??? ?? ?????????? ??????? ????? ?? ????????, ??????????-?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang gagawing sabayang pagsasanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defense Force kontra sa terorismo sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni AFP Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. General Roy Galido matapos ang pagbisita ni Australian Deputy Prime Minister (DPM) at Minister of Defense Richard Marles sa 6th Infantry Division Headquarters sa Maguindanao kahapon.

Sa naturang pagbisita, sinamahan ni AFP Chief of Staff General Andres Centino si DPM Marles sa pagsaksi ng counter-terrorism training demonstration ng mga tropa ng Philippine Army at kanilang Australian counterpart.

Ayon kay Lt. Gen. Galido, ang pagsasanay ay pagkakataon sa dalawang pwersa na matuto mula sa isa’t-isa ng kaalaman sa urban warfare at casualty care.

Sinabi ni Lt. Gen. Galido, naging mabunga ang usapan sa pagitan ng mga opisyal ng AFP sa kanilang Australian counterparts kaya marami pang sabayang pagsasanay ang gagawin ng Philippine at Australian Army sa hinaharap.

Ang pagbisita ni DPM Marles sa 6ID ay bahagi ng kanyang 3 araw na pagbisita sa bansa sa layong palakasin ang ugnayang pandepensa ng Pilipinas at Australia.  | ulat ni Leo Sarne

?: Pfc Carmelotes PN(M), PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us