?????? ????? ?? ??????, ??????? ??? ?????, ???????? ?? ???? ??? ?????? ?????? ?? ????? ?? ??? ???? ???????????? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn
Photos: Claver LGU

Naging matagumpay ang opening ng Kadiwa Retail Store sa bayan ng Claver, Surigao del Norte; ito ang pinakaunang Kadiwa Store sa buong Caraga Region na naitayo sa tulong ng Department of Agriculture Caraga sa pakikipagtulungan ng Claver LGU.

Pormal na itinurn-over ng DA at LGU Claver ang Kadiwa Store kahapon sa Claver Red Mountain Agriculture Cooperative (CREMACO). Ang kooperatiba ay binubuo ng 35 miyembro na puro mga magsasaka mula sa naturang bayan.

Ang proyektong ito ay pinondohan ng DA Caraga na nagkakahalaga ng P500 milyon sa ilalim ng programang Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance noong taong 2022.

Photo: Claver LGU

Sinimulan ang programang upang maitaguyod ang pamumuhay ng mga magsasaka na labis ding naapektuhan ng krisis dulot ng pandemya.

Ayon kay CREMACO Chairman Joel Oinal, ang kanilang mga ani ang siyang pangunahing ibinebenta sa Kadiwa Store, pero dahil mula pa noong buwan ng Disyembre ay naapektuhan na ng tag-ulan ang mga pananim, konti lang ang naaani nilang gulay kaya’t umangkat din sila.

Pinakamabenta sa unang araw ng Kadiwa ang bigas na sariling ani ng mga magsasaka sa bayan ng Claver, karaniwan kasi ay nasa P45 to P50 kada kilo pero sa Kadiwa ay mabibili lamang ito ng P36 kada kilo.

Photo: Claver LGU

Ang sibuyas na karaniwang mabibili sa halagang P450 hanggang P500 pesos kada kilo, dito ay P250 na lamang. Hindi pa masyadong maibaba ang presyo ng sibuyas dahil inaangkat pa nila ito mula sa Cagayan de Oro City.

Bukod sa physical store ng Kadiwa, magsasagawa din sila ng Kadiwa on Wheels isang beses kada linggo para pati ang mga nakatira sa malayong barangay ay makakabili ng gulay sa mas murang presyo kumpara sa talipapa o kaya’y sa palengke. | ulat ni May Diez | RP1 Butuan

Photos: Claver LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us