Pinakikilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang tiyaking makakabitan ang mga local government unit (LGU) ng software para sa computerization ng kanilang business permit.
Nakapaloob ito sa Executive Order No. 18 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong nagdaang February 23.
Bukod sa DICT, pinaaasistehan din sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan para masigurong maisasagawa ang installment ng software sa licensing system ng mga LGU.
Ang naturang hakbang ay may kinalaman na rin sa kautusan ng Punong-Ehekutibo na magtatag ng Green Lane na naglalayong
mapabilis ang transaksyon sa gobyerno.
Bahagi naman ito ng 8-Point Agenda ng administrasyon na magkaroon ng reporma sa “Ease of Doing Business.” | ulat ni Alvin Baltazar