?????-?????? ?? ??????????, ?????? ??????? ??????????? ?? ???? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay matapos maaksidente sa motorsiklo ang dalawang indibidwal sa Daanghari Road, Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite.

Dead on the spot ang driver na si Clark Joseph Salanguit Amil at angkas nitong isang babae.

Ayon sa report, binabagtas ng driver ang kahabaan ng Daanghari Road papuntang Aguinaldo Highway.

Ngunit pagsapit sa bahagi ng Brgy Pasong Buaya 1, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver at diretso tumama sa bakal sa center island.

Dito na sumirko ang motorsiklo at bumagsak sa kalsada ang dalawang biktima.

Narespondehan pa ng City Disaster Risk Reduction Management OfficeΒ (CDRRMO) ang aksidente ng dalawang nasawi dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us