???-??? ?? ?????’? ?????? ?? ?????? ?? ?????, ???????? ?? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang dalawang mag-ama sa buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City.

Narekober sa kanila ang 150 grams ng hinihinalang shabu na may halagang higit โ‚ฑ1-million, bulto-bultong boodle money, digital weighing scale, at motorsiklo.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10, nagbabagsak umano sila ng iligal na droga sa ilang barangay sa Quezon City kabilang ang Brgy. Immaculate Concepcion at Brgy. Commonwealth pati na rin sa Bacoor, Cavite.

Itinurong source ng iligal na droga ang ama na humahawak sa transaksyon habang ang anak ang tagahatid sa mga parokyano.

Dating nakulong ang ama sa Tacloban City, Leyte dahil sa iligal na droga subalit nakalaya dahil sa ‘plea bargaining.’

Tumangging magsalita ang mag-ama na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

?: QCPD Station 10

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us