Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pagpapasinaya ng bagong KASIMBAHAYAN Hall sa Quezon City Police District Station 5 sa Fairview kahapon.
Ang proyekto ay isinakatuparan sa pagtutulungan ng Fairview Police personnel sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Elizabeth Jasmin, na kilala bilang βAleng Pulis ng Kyusi,β at ng religious sector, non-government organizations (NGO), at civic organizations.
Ang KASIMBAHAYAN Hall ay gagamitin para sa edukasyon at ibaβt ibang aktibidad ng mga out of School Youth at βChildren at Risk,β upang mapalapit sila sa PNP.
Ayon sa PNP chief, sa pamamagitan ng alternative learning system na gagawin sa KASIMBAHAYAN Hall ay maiiwas sa krimen ang mga kabataan at mabibigyan sila ng pagkakataon na maging mga βfuture leaders.β
Binati naman ni Gen. Azurin ang Fairview Police Station sa paglulunsad ng ibaβt ibang inisyatibo para makapaghatid ng mahusay na serbisyo sa komunidad.
Pinasalamatan din ni Gen. Azurin ang ibaβt ibang sektor na tumulong sa prokekto, partikular ang Lions Club International. | ulat ni Leo Sarne
?: PNP-PIO