????? ???, ??????? ??? ?????? ?? ??? ????????? ?? ????? ???????? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang mga kinakailangang tulong para sa mga apektado ng nangyaring sunog sa Brgy. 117 sa bahagi ng Malibay, lungsod ng Pasay kaninang umaga.

Kasunod nito, kinilala ng Pasay City Fire Department ang pagkakakilanlan ng 3 nasawi sa nasabing sunog na sina Mary Ann Maglinaw, 29 anyos at ina ng dalawang menor de edad na kapwa kasama niyang nasawi sa nangyaring sunog.

Kanina, personal ding nagtungo sa pinangyarihan ng sunog si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at nangakong sasagutin ang pagpapalibing sa 3 nasawi.

Alas-9:50 kaninang umaga nang sumiklab ang sunog na umabot sa unang alarma at kagyat na naapula dakong alas-10:16 ng umaga. Bukod pa rito, namahagi rin ng ayuda ang Lokal na Pamahalaan sa iba pang mga naapektuhan ng sunog tulad ng relief goods, folding bed, mat, towels, groceries, at hygene kits gayundin ng tulong pinansyal sa mga apektado.

?: Pasay City-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us