Pormal na iniluklok ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office 3 si Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr.
Pinalitan ni Brigadier General Hidalgo si dating PRO 3 Regional Director Police Brigadier General Cesar R Pasiwen na nagretiro kahapon.
Sa kanyang mensahe sa retirement ceremony sa Camp Olivas Pampanga, hinimok ni General Azurin ang mga tauhan ng PRO-3 na suportahan ang kanilang bagong pinuno.
Sinabi naman ni Brig. Gen. Hidalgo na palalakasin niya ang anti-criminality campaign sa rehiyon at pagpupurisgihan ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Si Hidalgo ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) TAGAPAGKALINGA Class β91 at naging NCRPO Deputy Regional Director for Administration bago umupo bilang PRO-3 Regional Director. | ulat ni Leo Sarne
?: PNP-PIO