???????? ?? ???-?????? ????????, ?????????-???? ?? ???. ???? ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinukoy ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang problema sa job-skills mismatch bilang isa sa mga top concern ng technical-vocational education.

Sa naging pagpupulong ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), binigyang-diin ni Villanueva na ang totoong problema ay ang kakulangan ng mga graduates na swak sa trabaho at hindi ang kakulangan ng trabaho.

Ipinunto ng isa sa mga vice chairman ng EDCOM 2 na dalawa sa tatlong mga technical and vocational education and training (TVET) graduates ay nakararanas pa rin ng training-job mismatch o nagtra-trabaho sa mga hindi pareho sa expected occupation ng kanilang natapos na training program.

Kaya naman dapat aniyang magkaroon ng mga hakbang para maikonekta ang mga pangangailangan ng mga employer sa TVET at sa industriya.

Sa pagpupulong ay ipinunto ni Dr. Christina Epetia, Research Fellow at the Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ang napaulat na pagbaba ng TVET graduates at assessments dulot ng COVID-19 pandemic.

Binigyang-diin rin ni dr. Epetia ang kakulangan ng promotion ng enterprise-based training at ang pagtaas ng graduates na nag-eenroll sa TVET courses na iniuugnay sa paghahanap ng mga kasanayang magagamit at proteksyon mula sa mga pagbabago sa labor market. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us