Kinilala ng Department of Education (DepEd) ang mahalagang laban kontra katiwalian upang mapagbuti ang paghahatid ng serbisyo sa larangan ng edukasyon.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, may nadiskubre silang kaso ng isang service provider na bigong maihatid ang nakasaad sa kontrata simula pa noong 2021.
Gumagawa na aniya ng hakbang ang ahensya upang mapanagot ang naturang service provider bagamaβt tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye habang gumugulong ang imbestigasyon.
Muli ring tiniyak ng DepEd ang kahandaan na tanggapin ang report ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa isyu ng umanoβy overpriced laptops.
Sinabi ni Poa na ire-refer sa Office of the Solicitor General ang mga inirerekomendang makasuhan para sa ebalwasyon at aksyon.
Sa kasalukuyan ay may isang empleyado ng DepEd na sangkot sa procurement na sumasailalim sa administrative case.