?????? ????? ?? ??????? ?? ???? ?? ???????? ?? ?????? ?????, ????????? ?? ????? ???? ??????? ?? ?????? ?? ??????? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuan na ang mga labi ng apat na pasahero ng Cessna plane, mismo sa crash site malapit sa crater ng Bulkang Mayon.ย  Ayon kay Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo, Incident Commander, matiyagang nilakad ng search and rescue team ang mahirap at matarik na trail ng bulkan, upang marating ang kinaroroonan ng bumagsak na eroplano. ย 

Ang katawan ng apat na pasahero ay pawang na sa labas na ng eroplano dahil sa pumutok ito. Bagamat kinumpirma ng opisyal na buo pa ang mga labi dahil sa kakaibang kondisyon ng panahon sa tuktok ng bulkan. Malamig, mahangin, biglang umuulan at hindi na maaaring marating ng anumang hayop o insekto.

Photo: Mayor Caloy Baldo

Sabi ni Baldo, matapos matagpuan ang katawan ng mga ito, ang search and rescue team, nag-shift na sa retrieval operations. Ngayong umaga, agad na sinimulan ng team ang operasyon.  Inilagay ang apat na bangkay sa cadaver bags.

Sa ngayon, patuloy na naglalakad ang team pababa dahil sa hindi maaaring maglanding ang helicopter sa crash site dahil sa tinatawag na aerodynamics. Bingyan diin ni Baldo, ito ang sitwasyon sa tuktok ng Bulkang Mayon, na ikikonsidera para maiwasan ang panganib sa chopper o rescuer.

Titingnan, kung saang camp site ng bulkan, maaaring, dalhin ang mga labi para maisakay sa chopper. May tatlong chopper ang naka-standby, bilang backup sa search, rescue and retrieval team.

May press briefing ang team sa command post sa Camalig, Albay mamayang 9:00AM. | ulat ni Nnacy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us