Photos: Ricky Filoteo
Kasunod ng matagumpay na drug bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang merkado publiko sa syudad ng Bacolod, ipinag-utos ni Barangay 12 Punong Barangay Ely Alcantara ang mahigpit na pagbabantay sa Bacolod Vendors Plaza.
Ito ay para maiwasan ang illegal drug activities sa nasabing public market.
Sa nasabing direktiba ng opisyal, isinagawa ang clearing operations sa 25 illegal structures sa Bacolod Vendors Plaza kung saan ang mga nagbebenta at legal na nagnenegosyo na lang ang natira.
Bukod pa rito, magdedeploy rin ang barangay ng mga tanod para bantayan ang nasabing public market laban sa iligal na droga.
Matandaan sa ikinasang drug bust operation ng PDEA, mahigit 100 libong piso halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa loob mismo ng public market.
Huli rin sa akto na may nagpopot session sa pinaghihinalaang drug den sa loob mismo ng Bacolod Vendors Plaza. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo