2 ???, ??????? ?? ????????? ???? ?? ?????????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan muli ang mga lokal na pamahalaan na bahagi na ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay kasunod ng paglagda sa Memorandum of Understanding ng dalawa pang local chief executives sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Kabilang dito si Buenavista, Marinduque Mayor Eduard Siena at Bobon, Northern Samar Mayor Reny Jing Celespera.

Ayon sa DHSUD, kapwa nagpahayag ang dalawang alkalde ng commitment para sa pagpaptupad ng flagship housing program sa kanilang mga munisipalidad at makapaglaan ng murang pabahay sa kanilang mga residente.

Sa kasalukuyan, may higit na sa 70 Memoranda of Understanding na ang nalagdaan ng DHSUD sa mga LGU mula sa Luzon, Visayas at Mindanao habang 15 groundbreaking activities na rin ang natapos na.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us