2 ??????? ?? ???????? ?? ????? ?????? ????????, ???????? ?? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ng Quezon City Police District ang dalawang suspect sa pamamaril sa isang Indian national. 

Itinuturong gunman sa pagpatay si Mark Dariel Lagarde habang ang mastermind ay kinilalang si Randy Manalo.

Ayon kay Quezon City Police District Director Police Brigadier General Nicolas Torre, nitong February 14 habang nangongolekta ng bayad sa utang ang Indian national sa Brgy. Batasan Hills ay sinundan ito ni Lagarde at saka binaril.

Sa tulong ng mga kuha ng CCTV ng kanyang pagtakas, natunton si Lagarde sa manhunt operation ng pulisya.

Nahuli si Manalo sa follow-up operation ng mga pulis nang ituro siya ni Lagarde.
Narekober ng mga pulis ang isang baril at granada.

Ayon kay Torre, may utang ang mastemind sa biktima na ₱200,000.

Inamin ni Lagarde ang pagpatay matapos siyang alukin ng ₱20,000 habang iginiit ni Manalo na pinaholdap lang niya ang Indian national.  | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us