SEND-OFF CEREMONY PARA SA TROPA NG MILITAR, ISINAGAWA NG WESTMINCOM MATAPOS ANG ILANG TAONG DEPLOYMENT NITO SA WESTERN MINDANAO

Facebook
Twitter
LinkedIn

JUSTIN BULANON

FEBRUARY 22, 2023

Pinamunuan ng hepe ng Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Roy Galido ang send-off ceremony ng 74th Infantry Battalion kamakailan sa Edwin Andrews Air Base sa Brgy. Sta. Maria, lungsod ng Zamboanga.

Iginawad ng WestMinCom ang Command Plaque sa 74th IB bilang pagkilala sa kanilang natatanging suporta sa mga napagtagumpayan ng naturang command.

Pinuri ni Lt. Gen. Galido ang dedikasyon sa serbisyo at suporta ng 74th IB sa command partikular sa ipinatupad na all-out campaign laban sa terorismo sa area of operations ng WestMinCom.

Matatandaan, isinailalim sa operational control ng WestMinCom ang 74th IB noong Agosto 15, 2016 upang tulungan ang Joint Task Force Basilan na tugunan ang isyu sa seguridad nang dahil sa bandidong grupong Abu Sayaff na naturang probinsya.

Inilipat ang 74th IB sa Zamboanga City mula Basilan noong Hunyo 1, 2019 matapos ang rationalization ng pwersa ng area of operation ng WestMinCom.

Sa kasalukuyan ay na re-deploy na ang nasabing army battalion sa Visayas Command partikular sa Northern Samar kung saan inatasan ang mga ito na suportahan ang pagsugpo sa New People’s Army (NPA) sa naturang probinsya.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us