Nasa kustodiya na ng Pulisya ang driver ng SUV na nakabangga sa isang tricycle sa kanto ng General Malvar St. at Tirad Pass St. sa Caloocan City nitong Miyerkules.
Kinilala ni Police Colonel Ruben Lacuesta, hepe ng Caloocan City Police Station, ang driver na si John Usher Dizzle Chua.
Mababatid na dalawa ang nasawi sa aksidente kabilang sina Benjamin Lazaro at Ma. Cecilia Chua habang isa ang sugatan na kinilalang si Orlando Loquinario.
Lumabas sa imbestigasyon na bibili ng mga kagamitan para sa school project ang driver ng SUV nang mangyari ang aksidente.
Mahaharap siya sa reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple injuries, at multiple damage to properties. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.
?: Brgy. 135, Caloocan City