Natagpuan ng mga tauhan ng 49th Infantry Battalion ng 9th Infantry βSpearβ Division ang naka-baon na imbakan ng armas ng NPA sa Barangay San Antonio, Oas, Albay nitong Sabado.
Sa ulat kay Joint Task Force Bicolandia at 9th ID Commander Major General Adonis Bajao, walong anti-personnel mines, 1,747 piraso ng mga bala at 180 metro ng electrical wires ang narekober ng mga tropa sa naturang lugar.
Pinaniniwalaang ibinaon ang mga ito ng mga miyembro ng communist terrorist group na nakasagupa ng mga sundalo noong February 15 sa Barangay Ramay.
Matatandaan na sa naturang enkwentro, pinasabugan ng landmine ng mga teroristang komunista ang mga tropa, na ikinasawi ni 2Lt. Nico Malcampo at ikinasugat ng apat na sundalo.
Kaugnay nito, pinatitiyak ni Bajao ang seguridad sa lugar dahil sa posibilidad na may mga nakatago pang gamit ng mga kalaban, at upang maprotektahan na rin ang mga residente.
Iginiit ng opisyal na lubhang mapanganib ang mga nakuhang pampasabog na anumang oras ay maaaring magdulot ng matinding pinsala sa buhay ng mga inosente mamamayan. | ulat ni Leo Sarne
?: 9ID