Pinapurihan ng Department of Tourism (DOT) ang pagbabalik ng Panagbenga sa Baguio City.
Pinangunahan ni DOT Secretary Cristina Frasco ang nasabing festival at pinasalamatan ang mga residente sa patuloy na pagsasagawa nito.
Ayon kay Frasco, dati pang-komunidad lang ang nasabing pagdiriwang, pero ngayon naging world class celebration na ito at may malaking ambag sa turismo.
Tampok sa parada ang float na inspired sa Aladin, kalikasan, rising phoenix, etc.
Nagkaroon din ng street dance na lubos na nagpasaya sa mga turista. | ulat ni Don King Zarate