?????????? ?? ?????? ??????????, ???????? ?? ??? ??????? ??????????? ?? ???? ?????? ????? ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinaigting na police visibility ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Metro Manila.

Ito ay dahil sa ika-37 anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.

Sa Edsa Shrine, Mandaluyong City, kapansin-pansin ang bawat kanto na may pulis na nakatalaga masiguro lang ang seguridad.

Nakaantabay din ang mga awtoridad sakaling mayroong magsagawa ng pagtitipon sa People Power Monument.

Samantala, sa Mendiola sa lungsod ng Maynila ay payapa din ang sitwasyon at walang mga grupo ng raliyista sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa buong magdamag.

Bukod sa pulis ay nakapwesto din ang mga barb wire at isinara din ang Mendiola Bridge sa mga sasakyan sakaling mayroong magsagawa ng kilos protesta. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us