?????? ??? ?????? ????, ??????? ?? ?? ???????? ???? ???? ???? ???????? ??? ?????? ???????? ?? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malapit nang marating ng search and rescue team ang wreckage site ng bumagsak na Cessna 340 aircraft sa Camalig, Albay.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) as of 3pm, tinatayang nasa 300 metro na lamang ang distansya ng unang team ng responder mula sa wreckage site.

Pero ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, pahirapan pa rin ang pag-akyat o paglapit sa pinagbagsakan ng eroplano dahil sa maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan.

Aniya, sa sandaling makarating na ang search and rescue team sa wreckage site at makilala ang mga pasahero ng aircraft ay agad itong i-aairlift o isasakay sa eroplano at dadalhin sa isang undisclosed area para sa isailalim sa medical assessment.

Matatandaang kahapon, kinumpirma ng mga imbestigador mula sa CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) na ang natagpuang wreckage sa dalisdis o slope ng bulkang Mayon ay ang Cessna aircraft na may registry number RP-C2080, na naiulat na nawawala sa Camalig, Albay noong Pebrero 18. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us