???. ???? ????, ???????? ?? ?? ?????? ?????? ?? ?????? ???????????? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kuntento si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa itinakbo ng pagdinig tungkol sa pagpapatupad ng Marawi Compensation Law.

Matapos ang naging pagdinig ngayong araw, sinabi ni Dela Rosa na maganda ang naging talakayan at katunayan ay ito ang unang pagkakataon na nagpalakpakan sa pagdinig.

Kumpara aniya ito sa dati nilang mga pagdinig na puro reklamo at mainit ang ulo ng mga tao.

Sinabi rin ni Dela Rosa na sa ngayon ay maganda at mabilis magtrabaho ang mga bagong-upong miyembro ng Marawi Compensation Board dahil kahit bago pa lang sa puwesto ay marami na silang nagawa.

Kabilang sa mga nasimulan na ng board ang pakikipagpulong at pagsusumite ng dokumento sa Department of Budget and Management (DBM) para sa proposed budget sa compensation, pagtatayo ng temporary office sa Marawi State University (MSU), at ang pakikipagpulong sa mga lokal na pamahalaan at sa Task Force Bangon Marawi para sa pagbuo ng mediation committee.

Target rin aniya ng compensation board na matapos ang kanilang trabaho matapos ang tatlong taon bago nila i-turn over ang responsibilidad sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Matatandaang nitong katapusan lang ng Enero, itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng Marawi Compensation Board.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11696 ang board ay binubuo ng isang chairperson at walong miyembro.

Layon nitong gawaran ng compensation o bayad-pinsala ang mga residente ng Marawi na nasiraan ng ari-arian noong kasagsagan ng Marawi Seige noong 2017.

Sa naturang pagdinig rin ay tiniyak ng bagong hepe ng Local Water Utilities Administration (LWUA)Β na gagawin niya ang lahat para magkaroon na ng suplay ng tubig sa Marawi. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us