?????????? ?? ????????? ?? ?????? ????????, ??????? ??????? ???????? ?? ???????? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Police Regional Office Region 7 (PRO-7) ang nangyaring ambush kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo kaninang umaga sa kaniyang pamamahay sa Brgy. San Isidro, Sto. Nuebe, bayan ng Pamplona.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Gerard Ace Pelare, ang tagapagsalita ni PRO-7 director Pol. Brig. Gen. Jerry Bearis, na may mga bisitang miyembro ng 4Ps ang gobernador sa entrance ng kanyang pamamahay nang may isang grupo na naka-full battle gear ang dumating at pinagbabaril ito.

Napaulat na may mga sibilyan na sugatan din sa nangyaring pamamaril.

Dinala kaagad sa malapit na ospital ang mga biktima.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang Negros Oriental Provincial Police Office para mahuli ang mga gumawa nito.

Dagdag ni Pelare, personal mismo na tutungo ang PRO-7 regional director upang matutukan ito at siguruhin ang kaligtasan ng gobernador at ng iba pang mga biktima. | ulat ni Carmel Matus | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us