????? ????? ?? ?????? ???, ?????-?????? ???? ?? ??? ????????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasagawa ng Manila Local Government at Globe Telecommunications Company ang Sim Registration sa lungsod.

Gaganapin ito sa Kartilya ng Katiupnan, na nagsimula ngayong Lunes at tatagal hanggang Biyernes (March 20 hanggang 24, 2023).

Kaugnay nito, inaanyayahan ang publiko na magtungo dito partikular ang mga nangangailangan ng assistance sa pagrehistro ng kanilang Globe o Touch Mobile SIMs.

Matatandaan na ang SIM registration ay ayon sa Republic Act 11934, at ang pagrerehistro ng mga SIM ay hanggang April 26, 2023 na lamang.

Kaya’t hinihikayat ang lahat na samantalahin na ang pagkakataon upang maiparehistro ang kani-kanilang SIM, at malaman ang ibang detalye lalo na ang mga may katanungan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us