????????? ?? ????, ?????????????? ?? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na ngayon palang ay pinaghahandaan na nila ang mga ilalatag na seguridad para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ang BSKE ay kilalang mas personal ang labanan kaya naman isa ito sa mahigpit ring binabantayan ng mga awtoridad.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, naka-monitor sila sa mga napapaulat na karahasan sa mga lokal na opisyal para mapaghandaan ang paiiraling seguridad sa mga lugar na ito.

Kung ito ay kailangang ilagay sa serious of concern o isailalim na sa Comelec control.

Tiniyak din ni Garcia, na hindi sila matatakot sa kabila ng mga banta at patuloy na gagampanan ang kanilang tungkulin sa bayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us