??? ???? ?, ??????????? ?? ??????? ????? ???? ?? ??? ????? ????? ??????????? ?? ??????????? ?? ????????????? ?????’? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pagpupugay sa mga babae, maghahandog ng Libreng Sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit o LRT line 2 bukas, Marso 8.

Ito’y kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day na nakapaloob sa Women’s Month tuwing buwan ng Marso.

Magsisimula ang libreng sakay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at masusundan naman dakong alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Samantala, aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station ng 5:00 AM habang ang huling tren naman sa Antipolo Station ay aalis ng 9:00 PM at 9:30 PM sa Recto Station. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us