???-??? ?? ?? ???????? ???????, ????????????????? ?? ???????? ????? ?????????? ??? ?????? ??????? ?? ??? ????? ?? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ngayong Lunes ng may-ari ng RDC Reield Marine Services o MT Princess Empress ang patuloy nitong pakikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas at Philippine Coast Guard (PCG) maging sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan kaugnay sa nangyaring oil spill matapos itong lumubog.

Kabilang ang mga contracted responder upang mabawasan ang epekto ng oil cargo na tumagas mula sa barko matapos lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023.

Ayon pa sa RDC, lubos nitong ikinalulungkot ang insidenteng nakaapekto sa kabuhayan ng mga nakatira sa mga apektadong lugar.

Nakatuon aniya sila sa paggawa ng posibleng paraan upang mabawasan ang patuloy na epekto nito at linisin ang natapong langis.

Nagpasalamat din ito sa mga naging bahagi ng pagsagip sa 20 sakay ng naturang barko. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us