???????????? ?? ?????????? ??????? ???? ?? ??? ???????? ?? ???????, ??????? ???? ????????? ?? ???????? ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pag basa ang House Bill 7363 o ang “Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso o ‘P3’ Act.”

Layunin nitong magsilbi bilang alternatibo ng mga maliliit na negosyo mula sa tinatawag na “5-6” at informal lenders.

Target nitong makapaglaan ng abot-kaya, “accessible” o madaling malapitan at simpleng “financing program” para sa micro at small enterprises o MSEs.

Sakaling maisabatas, bubuo ng isang ‘P3’ Fund na maaaring magpautang sa mga kwalipikadong MSE sa pamamagitan ng Small Business Corporation, at accredited partner financial institutions gaya ng mga bangko, kooperatiba, loan associations, lending companies at iba pa.

Wala ring magiging “collateral requirement” para sa loan beneficiaries sa ilalim ng programa.

Mas mababa rin ang “interest rates” nito para sa mga pinansyal na serbisyo sa mga MSE upang mapalakas ang “development at entrepreneurship” ng naturang sektor. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us