??????????? ?? ??????? ?? ??????????, ????????? ??????, ???? ?? ?? ????? ????, ???? ?????? ????????? — ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gumagalaw sa tamang direksiyon ang partnership sa pagitan ng gobyerno at ng private sector, lalo na sa aspeto ng infrastructure development.

Ito ang Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng kanyang ginawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) kahapon sa Malacañang.

Sa katunayan ayon kay Pangulong Marcos ay nagtutugma ang mga plano ng pamahalaan hinggil sa infrastructure projects at rekomendasyon tungkol dito ng private sector.

Kaugnay nito, inihayag ng Pangulo na
ilang mga rekomendasyon ng PSAC para sa infrastructure development ay ginagawa na ng pamahalaan.

Ang iba pa nga sabi ng Presidente ay nasa kalahatian na, habang mayroon na ding nakumpletong mga proyekto.

Naging pokus ng meeting nina Pangulong Marcos at ng PSAC ang tungkol sa
key areas ng infrastructure partnerships at kabilang dito ang hinggil sa tubig, transport and mobility, logistics, energy, at Public-Private Partnership o PPP. | ulat ni Alvin Baltazar

?: Office of the President

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us