????? ?? ???? ?? ?????? ??? ?????? ????? ?? ????? ?? ???? ?? ???? ?? ??? ???????? ?? ?????? ?? ????? ?? ???, ????????? ?? ???????? ?? ????????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng 10th Infantry Division ang isinusulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maging imbakan ng relief goods ang warehouse nito para ipamahagi sa mga pamilyang apektado ng sunod-sunod na lindol sa Davao de Oro.

Sa pahayag ng 10th ID Public Affairs Office, binisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Camp General Manuel T. Yan Sr. Mawab, Davao De Oro nitong Marso 9, 2023 upang inspeksyunin ang warehouse nito.

Para kay 10th ID Commander Major General Jose Erial M Niembra welcome ang nasabing inisyatiba ng DSWD dahil mas lalong ma-capacitate ang kanilang kampanya sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga apektado ng lindol.

Sa nasabing pagbisita, nagsagawa rin ng meeting si Gatchalian sa senior officers ng 10th ID kasama ang mga opisyal ng Davao De Oro na pinangunahan nina Governor Dorothy Montejo-Gonzaga at Congressman Ruwel Peter Gonzaga kung saan pinag-usapan ang pag-maximize ng logistical operations at disaster preparedness ng ahensya. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

? 10th ID Public Affairs Office

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us