??? ?????, ???????????? ?? $?.?-? ?? ?????? ?? ?????????? ???????? ?? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpsalamat si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa Estados Unidos sa kanilang donasyong kagamitan sa PNP, na nagkakahalaga ng $3.3 milyong.

Sa mensahe ni Gen. Azurin na binasa ni PNP Director for Logistics Police Major General Ronaldo Olay sa turnover ceremony sa Camp Bagong Diwa, Taguig ngayong araw, ipinaabot ng PNP Chief ang kanyang pasasalamat kay US Ambassador Marykay Carlson at sa US Embassy delegation.

Ayon sa PNP Chief, ang donasyon mula sa Office of the Anti-Terrorism Assistance Program of the Diplomatic Security Services of the American Embassy ay “game changer” sa kampanya ng PNP kontra sa terorismo at kriminalidad.

Ang mga kagamitan ay binubuo ng explosives counter measure kits kabilang ang bomb suits, 41 digital x-ray machines at pitong Ford Ranger pick-up trucks.

Sinabi ni Gen. Azurin, na malaking tulong ang mga bagong kagamitan sa pagpapalakas ng kakayahan ng PNP na pigilan at respondehan ang “terrorist threats” at iba pang “high risk situations”.

Sa kanyang panig, sinabi ni Amb. Carlson, na ikinararangal niya ang matatag na “partnership” ng Pilipinas at Estados Unidos sa laban kontra terorismo, at kumpiyansa siya na sa malapitang pagtutulungan ay mapipigilan ng dalawang bansa ang mga banta ng terorismo. | ulat ni Leo Sarne

Photos: Lloyd Caliwan – PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us