
Nananatiling mataas ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa Guadalupe, Makati City.
Sa ngayon, ₱140 hanggang ₱250 ang kada kilo nito.
Meron ding mabibili na tingi-tingi o ₱30 kada limang pirasong sibuyas na nasa supot.
Ayon sa grupong Sinag dapat nasa ₱80-₱90 na lang ang kada kilo ng sibuyas. | ulat ni Don King Zarate