??? ???? ???? ??? ?? ???, ????????? ?? ??????? ??????? ?? ????????? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng San Juan City Local Government ang mga maliliit na negosyante sa lungsod.

Ito ay para sa isang araw na seminar na ikinasa ng San Juan Skills and Livelihood Training Center katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI).

Tinawag itong Marketing 101 na gagawin sa Miyerkules, Marso 22, mula ala-1 hanggang ala-5 ng hapon na nakalaan para sa may 25 indibidwal.

Dito, bibigyan ng mga kaalaman ang mga nasa micro-small and medium enterprise (MSMEs) para makatulong sa pamamalakad, pagpapalago, at pagpapalaki ng kanilang negosyo.

Para sa mga nagnanais lumahok, kinakailangan lamang ipakita ang kanilang business registration mula sa DTI o di kaya ay bisitahin ang Facebook page ng San Juan City LGU at puntahan ang link para makapag-register. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us