?? ????? ?? ??????, ????????? ?? ????? ?? ????? ??????? ?? ??? ???????? ?? ?????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang lalaki matapos siyang mahulihan ng baril sa isinagawang Oplan Galugad ng Taguig City Police.

Nahuli ang suspek sa Purok 3 PNR Site na sakop ng Brgy. Western, Bicutan kung saan masigasig na nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga awtoridad.

Kinilala ang suspek na si Jaylord Camacho Remblado, 18 anyos.

Bukod sa nakuhang kalibre 38 baril na kargado ng bala at walang serial number ay nakuha din sa kanya ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P8,800.

Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 10591 at R.A. 9165 ang suspek. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us