? ??????? ?? ???????? ? ????? ??, ???????????? ?? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa walong persons of interest ang pinaghahanap sa ngayon.

Ito ay matapos sumuko ang panibagong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Remulla, malaki ang partisipasyon ng bagong sukong suspek sa kanilang ginagawang imbestigasyon, dahil nagtutugma ang mga pahayag nito sa naging pahayag ng ibang suspek.

Dahil din sa pahayag ng bagong sumukong suspek na nagbigay pa ng ibang mga pangalan, na ngayon ay bahagi na ng walong persons of interest na pinaghahanap ng ahensya.

Una nang kinumpirma ni Remulla, na ang bagong sukong suspek ay may direktang partisipasyon sa nangyaring krimen at isang dating sundalo. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us